^

Metro

Rider lasog sa truck

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider  makaraang mabundol umano ng nakagitgitan nitong truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 6, nakilala ang nasawi sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Paul Joseph Ignacio, 36, ng Phase 3, El Pueblo 1, Kingspoint, Brgy. Bagbag Novaliches.

Ayon kay PO3 Andy Sotto,  tinakasan ng nakabundol na truck sa may kahabaan ng Mindanao Avenue, Brgy. Tandang Sora ang biktima.  Nangyari ang insidente, dakong alas 4:15 ng madaling araw, habang binabaybay ng biktima ang nasabing lugar, patungong Quirino Avenue, sakay ng kanyang Kimco Super A motorcycle na for registration.

Diumano, nakagitgitan ng biktima ang trailer truck dahilan para mawalan ito ng balanse at sumemplang sa gitna ng kalye. Sa pagsadsad ay kumawala ang biktima mula sa kanyang motorsiklo dahilan para mapinsala ng matindi ang kanyang ulo at agad na masawi. Habang ang truck naman ay mabilis na humarurot papalayo sa nasabing lugar. Patuloy na inaalam ng Sector 6 ang truck na nakasagasa sa nasabing biktima.

vuukle comment

ANDY SOTTO

BAGBAG NOVALICHES

BRGY

EL PUEBLO

KIMCO SUPER A

MINDANAO AVENUE

PAUL JOSEPH IGNACIO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

QUIRINO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with