^

Metro

Bagong silang na sanggol, ikinahon, itinapon sa ilog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang patay na bagong silang na sanggol na babae ang inilagay sa kahon ng sapatos at saka itinapon sa Pasig River sa Maynila ang natagpuan kahapon ng umaga.

Ang patay na sanggol na may hospital tag pang nakakabit sa kanyang paa ay nakitang palutang-lutang sa gilid ng Pasig River sa likod ng Philippine Postal Office sa Lawton, Ermita, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga nang itawag sa kanilang tanggapan ang nakitang sanggol na may pangalang Mitchie Belle Rendante na nakasulat sa kulay pink na tag na nakakabit sa kanyang paa.

Isang Rolly Esguerra ang namumulot umano ng mapapakinabangang basura ang nag-ahon sa plastic na inakalang kalakal.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung saang ospital posibleng galing ang sanggol.

vuukle comment

ERMITA

ISANG

ISANG ROLLY ESGUERRA

LAWTON

MAYNILA

MITCHIE BELLE RENDANTE

PASIG RIVER

PHILIPPINE POSTAL OFFICE

SAMANTALA

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with