^

Metro

18 dayuhan timbog sa ‘parcel scam hub’ sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
18 dayuhan timbog sa ‘parcel scam hub’ sa Pasay
Sa inisyal na ulat, nasa tanggapan na ng BI-FSU ang mga dinakip na mga banyaga at mga ebidensya para sa imbestigasyon, habang may presensya ng Japanese authorities.
STAR / File

Nasa 18 dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa sinalakay na “parcel scam hub” na gumagamit ng pekeng Japanese police station, police uniforms at insignia sa panloloko sa mga kababayang binibiktima, sa isang establisimyento sa Pasay City, nitong Biyernes, Nobyembre 20.

Sa inisyal na ulat, nasa tanggapan na ng BI-FSU ang mga dinakip na mga banyaga at mga ebidensya para sa imbestigasyon, habang may presensya ng Japanese authorities.

Pinasok ang sinasabing scam hub o work station na agad pumukaw ng pansin ang mistulang opisina ng Japanese Police Station na may pekeng Police logo bilang backdrop, mga nakahanger na Japanese police uniforms, pekeng Japanese police identification, Japanese police badge o tsapa, at computers na may high-technology—may mga larawan ng babae at lalaki na lehitimong mga Japanese police. Ito ang ginagamit ng kanilang sindikato sa online panloloko.

Bukod sa Japanese Police, may Chinese authorities din na nagtungo sa lugar upang matukoy kung ang mga dayuhan ay Japanese o Chinese.

Inabutan ang isang cubicle na may isang abala sa pakikipag-usap sa pinaniniwalaang biktima. Nakuha din ang mga script na gamit sa pakikipagtransaksyon at presyo na sinisingil sa mga biktima.

Nasa pitong cubicle ang fully-sound proof upang hindi marinig sa labas.

Matatandaang isa ring parcel scam hub ang sinalakay ng mga awtoridad sa nabanggit ding lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto ng 159 dayuhan.

BI

JAPANESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with