^

Metro

Human trafficking, illegal recruitment talamak – NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Human trafficking, illegal recruitment talamak – NCRPO
Members of the Manila Police District install barricades along Recto Avenue, Mendiola, and Ayala bridge near Malacañang on February 25, 2026.
STAR/ Edd Gumban

Ngayong holiday season

MANILA, Philippines — Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa talamak na operasyon ng human trafficking at ilegal na recruitment ngayong holiday season, kasabay ng pagdami ng mga biyahero at naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ang babala ay ginawa ni NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano matapos harangin ng mga awtoridad sa paliparan ang isang pasaherong patungong Vietnam na hinihinalang biktima ng trafficking. Ayon sa pasahero, inalok siya ng trabaho sa dayuhang militar na may mahigit P100,000 buwanang sahod at $10,000 signing bonus.

Ayon kay Abrahano, maaaring samantalahin ng mga sindikato ang holiday season sa pamamagitan ng pekeng alok na trabaho, bogus na biyahe at pangakong mataas na sahod sa mga nagnanais na mag-abroad.

Sinabi ni Abrahano na isinasagawa rin ang modus sa pamamagitan ng pag-akit sa mga biktima sa pamamagitan ng pagkukunwaring bakasyon bago dalhin sa lugar kung saan sila pagsasamantalahan.

Pinayuhan ni Abrahano ang publiko na tiyaking lehitimo ang mga alok na trabaho at biyahe at agad ireport sa mga awtoridad ang kahina-hinalang transaksyon.

Dahil dito, pinalakas ng NCRPO ang koordinasyon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Department of Migrant Workers (DMW) at Bureau of Immigration (BI) upang matukoy at matulungan ang mga posibleng biktima.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with