Baguhang child actor, kita ang pagiging Half-German!

Half-German pala ang pretty mom ng child actor na si Zion Cruz na bumida sa Apol of My Ai, isa sa mga pinilahang entries sa ongoing pa ring CinePanalo Film Festival (CPFF) 2026 ng Puregold.
Kaya naman pala mestizo si bagets na laking Nueva Ecija.
At hindi na kami nagtaka nang siya ang itinanghal na Panalong Child Performer sa katatapos lang na awards night ng CPFF. Lahat ng nabasa naming reviews tungkol sa pelikula, siya ang pinupuri. Acting find daw ang poging bagets.
At nang mapanood na nga namin, talaga namang napakahusay nga. Parang ang tagal nang nag-artista kahit na second movie pa lang niya ang Apol... His first film ever ay ‘yong Metro Manila Film Festival 2024 historical fiction entry na The Kingdom, kung saan gumanap siyang apo ni Bossing Vic Sotto na gumanap namang hari.
Bunso si Zion sa tatlong magkakapatid and among them, siya lang daw ang nahilig sa acting. Todo support naman ang kanyang mommy sa pagsama sa kanya sa TV commercial go-sees at auditions.
Sa isang real estate TVC raw siya unang nai-spottan ng isang taga-TV5 who recommended him to Direk Thop Nazareno na naghahanap noon ng bibida sa kanyang 2025 TV5 series na Ang Himala ni Niño. At dahil subok na siya ni Direk Thop, siya rin agad ang pinagbida nito sa CinePanalo sa comng-of-age entry niyang Apol of My Ai, kung saan lutang na lutang both his innate acting ability at future heartthrob na looks.
Nagpa-picture na nga kami with him bago mag-awards night kasi feeling namin ay magiging sikat na leading man siya a few years from now. Plus, randam nga namin na siya ang magbe-best child performer.
Naaliw pa nga kami sa kanya kasi napatanong siya kung paano raw malalaman kung siya nga ang nanalo?
Sabi namin ay babanggitin naman kung mula sa anong pelikula. Kung bakit naman kasi dalawa silang Zion Cruz na child stars ngayon sa showbiz at nagkataon na nominated din ito sa CinePanalo para sa pelikulang Wantawsan na pinagbidahan ni Joross Gamboa. Ang ikatlong best child performer nominee ay si Ruslan Jacob ng pelikulang Beast na si John Arcilla naman ang lead actor.
In short, may dilemma siya that night. Baka nga naman pareho silang tumayo ng kanyang tukayo ‘pag tinawag ang Zion Cruz. Haha!
And in fairness, may nakahandang speech si bagets sa kanyang smartphone no’ng umakyat na siya sa stage to receive his trophy. Ayaw raw kasi niyang may makalimutan siyang pasalamatan.
But in the end, inalay niya ang kanyang panalo sa overseas Filipino workers (OFW) at mga anak ng OFW na siyang talagang central theme ng kanilang pelikula.
More power, Zion.
- Latest























