Impeachment, numbers game

VP Sara dehado - Zamora
MANILA, Philippines — Numbers game ang impeachment at dehadong ma-impeach si Vice President Sara Duterte kaugnay ng isinasagawang pagdinig ng House Committee on Justice sa dalawang beripikadong reklamo na itinakdang magpatuloy sa Abril 14 sa presentasyon ng mga ebidensya.
Ito ang inihayag ni San Juan City Lone District Rep.Ysabel Zamora, Vice Chairperson ng House Committee on Justice na naniniwalang may sapat na numero sa Kamara para ma-impeach si VP Sara.
Sinabi ni Zamora na sa ilalim ng Saligang Batas, kailangan ng 1/3 na boto mula sa 318 miyembro ng Kamara pabor sa impeachment sa plenaryo bago maipadala ang impeachment sa Senado.
“We need one-third or around 106, if I’m not mistaken. And I believe we have the numbers,” saad ni Zamora.
Noong 19th Congress ay na-impeach si VP Sara sa Kamara sa botong 215 gayunman idineklara itong unconstitutional ng SC dahil sa paglabag umano sa 1-year bar rule.
Aminado naman si Zamora na may mga Kongresistang nagdadalawang isip sa pagboto sa impeachment dahil sa pagdedeklara ni VP Sara ng planong pagsabak sa 2028 national polls.
“Again, we admit nga po na this is a political process. But as we go along, I believe that our colleagues are seeing the cause that the members of the Committee on Justice are fighting for,” sabi pa ni Zamora.
- Latest


















