^

Bansa

PANOORIN: China Coast Guard, hinarass ang PCG vessel na naglikas ng Navy personnel

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Gumamit ng water cannon ang China Coast Guard (CCG) laban sa isang Philippine Coast Guard (PCG) vessel habang nagsasagawa ang PCG ng emergency medical evacuation sa Ayungin Shoal.

Inilikas ng PCG nitong Huwebes, Oktubre 8, ang isang tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa shoal.

Ayon sa PCG, ipinadala nito ang BRP Cabra mula sa Lawak Island. Nang makarating ang barko sa layong 9 nautical miles sa hilaga ng Ayungin Shoal, gumamit ng water cannon ang CCG vessel 5306 para umano'y paalisin ang BRP Cabra mula sa shoal.

Hindi natamaan ang BRP Cabra at lumayo ito mula sa Ayungin Shoal para panatilihing ligtas ang barko at mga sakay nito. Nanatili rin itong nakikipag-ugnayan sa CCG sa pamamagitan ng radyo.

Dahil sa pagharang ng mga barko ng CCG, naantala ang misyon nang halos sampung oras.

"A transfer like this would normally take only a few hours. It took nearly ten because of the CCG's water cannon use, its persistent harassment and blocking, and its dangerous maneuvers against PCG assets," ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela.

Dagdag ni Tarriela, ang paggamit ng water cannon habang isinasagawa ang isang humanitarian mission ay "dangerous" at "unlawful" dahil inilalagay nito sa panganib ang mga buhay ng mga nasa dagat at nilalabag ang "basic standards of maritime conduct."

Habang isinasagawa ang operasyon, binantayan din ng PCG ang mga CCG vessels 5306, 5009, at 21585; Chinese maritime militia vessel Qiongsanshayu 00119; at People's Liberation Army Navy warship 628.

AYUNGIN SHOAL

CHINA COAST GUARD

PCG

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with