^

Bansa

PANOORIN: Marcos, manonood ng F1 sa Singapore — Palasyo

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na dadalo si Pangulong Bongbong Marcos sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore.

"Mahalaga sa mga ganitong event na magkakila-kilala talaga, lalo na ang mga a-attend dito ay karamihan mga negosyante, matataas na leader," ani Palace Press Officer Claire Castro ngayong Biyernes, Oktubre 9.

Dagdag ni Castro, inimbitahan daw si Marcos ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong na dumalo sa naturang event.

"Sa mga ganoong mga klase na imbitasyon, hindi lang sila manonood. Mas marami rito ang usapan," aniya.

Ayon kay Castro, minsan ay may mga negosyanteng nag-aalok na maaaring mamuhunan sa bansa sa mga naturang okasyon.

Sinagot naman niya ang mga kritiko sa pagdalo ni Marcos sa mga event, at sinabing hindi nawawala ang pagiging pangulo niya "kahit isang segundo."

Dumating si Marcos sa Singapore nitong Miyerkules, Oktubre 7, para sa kanyang limang araw na working visit sa bansa.

Umani siya ng batikos noong 2022 at 2023 sa kanyang pagdalo sa F1.

BONGBONG MARCOS

CLAIRE CASTRO

F1

MALACANANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with