Ngeks Picture. During our Iskul Bukol and Tough Hits days, it was the ‘acheche!’ Ngek and acheche are expressions of shock, astonishment or amazement from the receiver of the punchline usually with a double-take. Well, comedy is complicated...serious...kaya ganyan kami sa picture.
‘Ngek To Ngek!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - September 15, 2019 - 12:00am

Hindi naman sa ako ay nagmamalinis

Subalit kung minsan hindi maiaalis

Ating kapaligiran ay bigyan ng malice

Ang ating paningin nang hindi natin nais!

 

Tulad isang umaga pagdaan sa Libis,

Paglingon sa simbahan ‘di ka magmimintis

Sa malaking billboard mga seksing makinis

But wait, there’s … LESS? Pareho silang naka-panties!

 

Ngek! Pero parang sa akin ay nangyari na

Nang minsang sa Vaticano kami’y nagpunta,

Pagdungaw sa hotel window pa’y makikita

Ang napakagandang Saint Peter’s Basilica!

 

Habang pinagmamasdang buong kabanalan,

Binuksan ko ang TV sa aking harapan,

Sa unang palatuntunan ay nagulantang —

Labas boobs mga babaing nagsasayawan!

 

Ngek na naman! Eh sino ba may kasalanan?

Mga mata natin ‘di naman kagustuhan!

Ngunit may mga “Ngek!” na sinasadya naman

Tulad nangyari sa India nitong last week lang!

 

May isang 74 years old na nagsilang!

Ngek! At ito talaga ay pinagplanuhan

Nila ng kanyang 82 years old na husband!

Dahil hirap nang umire ay na-caesarian!

 

Hindi malinaw kung saan pinanggalingan

Ng egg and sperm sa in vitro fertilization

Pero ang tsismis ang itlog galing donation

At esperma’y galing sa magaling na husband!

 

Ano ba daw ‘yan? ‘Yung baby kawawa naman!

Kesyo merong gatas pa ba na lalabas d’yan?!

Naturalmente no more! Kahit “powdered” man lang?!

Milkshake pwede pa dahil nanginginig na mom!

 

Ngek! Basta kung ano man ay ating nalaman

Na ubra pang magbuntis ang isang hukluban!

Kaya ang tanong ngayon ay paano na ‘yan?

Ang mag-ina sa lampin ay mag-aagawan!

 

Ngek! Sobrang talino na ng tao sa mundo!

Nagagawa pa ngang isang anakan … walo!

Hindi kaya sa panaho’y umabot tayo —

Mga transwomen na rin ay mag-i-in vitro?!

 

At hindi raw sila may envy sa girls na true

At may sarili silang dyingilan na kwarto!

Sana lang daw makagamit din sila nito!

Ang problema ang operada how do you know?!

 

Kung kaya sa puntong ito nagkakagulo!

Kailangan ba X-ray-ted pagpasok nito?

Kung “nakatali” lang at hindi totoo?!

That’s why sariling comfort room kanilang gusto!

 

To let or not to let or they have their own toilet!

At ‘yan ang tili nila at iginigiit!

Kaya raw ‘wag ITSOGIE ang SOGIE sa Senate!

Dapat daw isabatas or in English … law it!

ISKUL BUKOL JOEY TITO TOUGH HITS VIC
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with