^

Dr. Love

Wala pa ring Love life

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Jay, nauuso po ang usapang diskarte at diploma. Ang problema ko wala ako ng dalawang nabanggit. Kaya hindi pa rin ako nakaka- love life. Hanggang ngayon, 40 years old na ako, wala pa rin akong permanenteng trabaho. Kaya wala ring pumapansing babae sa akin.

Hindi ako makaporma. Hindi dahil sa torpe ako, nahihiya ako kasi wala akong maipagmalaki sa kanila. Political Science ang kurso ko noon kaso nang mamamatay ang aming ama’t ina sa aksidente, hindi na ako nakapagpatuloy ng pag-aaral. Si ate naman ay nag-asawa na. Habang nasa trabaho sila, ako ang nag-aalaga sa kanilang mga anak.

Syempre nasa wastong edad na ko kaya seryosohang relastionship na ang hinahanap ko sa babae na magiging girlffiend.

Sa ngayon, ako pa rin ang naghahatid-sundo sa dalawa kong pamangkin. Malapit na silang grumadwet ng junior high. Baka maunahan pa nila akong magka-love life.

Gusto ko na ring magkaroon ng sarili kong pamilya kaso eh sino naman ang papatol sa katulad kong walang tinapos na pag-aaral at walang sariling diskarte.

Jay

Dear Jay,

Hindi pa huli ang lahat. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba sa iyo. Una, pasalamat ka sa ate mo at hindi mo na problema ang pagkain sa araw-araw. Pero siyempre ma-laking tulong din ang nagagawa mo para sa kanila.

Simulan mo ang magplano. Isipin mo ang lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo. Kaya nawawalan ka ng diskarte dahil nawalan ka ng focus  sa sarili mo.

Sabihin mo ang gusto mo sa ate mo. Maaaring makatulong siya sa iyo. Saka na muna ang panliligaw. Ayusin mo muna ang pwede mo pang magawan ng paraan. Kahit sa TESDA o vocational course, pwede mong ituloy ang pag-aaral mo. Mas mainam kung matapos mo ang kurso mo.

Walang imposible kung gugustuhin mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with