^

Dr. Love

Hindi nakuntento sa kargador

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Hello po! Kasama po ako sa mga masugid na tagasubaybay ng inyong column.

Gusto ko rin pong ibahagi ang aking naging ka­palaran dahil sa pag-ibig. Taong 2006 nang matanggal ako sa pinagtatrabahuhan kong pa­b­rika sa Marikina City. Napagbintangan akong nang-uumit kaya umuwi na lang ako sa aming lalawigan.

Ipinaalam ko sa asawa kong si Kassandra ang nangyari sa akin, ipinangamba niya kung paano na ang aming pang-araw-araw. Sinikap ko pong makahanap agad ng hanap-buhay at pinasok ang pagiging kargador sa palengke.

Pero hindi po sapat sa aming gastusin. Nauuwi lang sa maliit na inuupahan at pambili ng pagkain sa karinderya ang aking kita. Nagre­reklamo pa si Kassandra na hindi na siya ma­kabili ng pampahid niya sa mukha, lotion at iba pang pangangailangan.

Sinabi ko sa kanya na magtiis muna dahil hindi naman agad-agad akong makakakita ng magandang hanap-buhay. Inakala ko na hanggang dun lang ang magiging problema namin hanggang sa isang gabi na napaaga ako ng uwi ay dinatnan ko ang aking asawa na kahalikan ang anak ng aming kasera.

Sa pagdidilim ng aking paningin, sinaksak ko po ang lalaki at napatay. Tumakbo palayo sa takot na mapagbalingan ko si Kassandra, na siya ring nagturo sa akin sa mga pulis.

Naging masaklap man po ang lahat, nananatili ang aking pag-asa. Kumuha po ako ng bokasyonal dito sa loob. Gusto ko rin pong hingin ang tulong ninyo sa pamamagitan ng Dr. Love column na makahanap ng kaibigan sa panulat.

Hanggang dito na lang po at maraming salamat­.

Lubos na gumagalang,

Joel Magugat

Student Dorm 4-C YRC

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Joel,

Sadyang may iba’t ibang kahinaan ang bawat isa sa atin. At sa kaso mo, naging marupok sa ibang lalaki ang iyong asawa. Ga­yunman, hu­mahanga ako sa pananatiling posi­tibo mo sa buhay. Magpatuloy ka at kasama mo ang Dr. Love sa panalangin para sa bagong buhay­ at katuparan sa pagkakaroon ng kaibigan sa panulat.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JOEL

DR. LOVE

JOEL MAGUGAT

KASSANDRA

MARIKINA CITY

MUNTINLUPA CITY

SHY

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with