^

Dr. Love

Tinalikuran ni Misis

-

Dear Dr. Love,

Nakulong po ako sa kasalanang robbery hold-up. Aminado ako na isang pagkakasala ang aking ginawa. Ito ngayon ay aking labis na pinagsisisihan. Pero huli na yata dahil matapos ang ilang panahong pagkakakulong, nagkaroon ako ng isa pang malaking problema sa buhay. Iniwan na ako ng aking asawa at dalawang anak.

Kasal po kami ni Myra. Sa kabila ng aming hirap na kabuhayan, maligaya noon ang aming­ pagsasama. Hanggang sa matukso akong sumama sa isang grupo para kumita nang mas malaki. Natanggap ko nang maghihintay pa ako ng matagal sa kulungan. Pero ang iwanan ng aking mag-iina ay mas malaking dagok sa aking­ buhay.

Salamat na lang sa tulong ng isang pastor dito sa kulungan, gumaan ang aking pakiramdam. Sana po mahugasan ng aking pagsisisi ang nagawa kong pagkakasala sa lipunan. Nabuo na rin ang aking loob na talikdan na ang poot sa puso ko sa aking asawa at bigyang laya na siya sa bago niyang mahal. Sana po mailathala ninyo ang liham kong ito para makapagbigay ng leksiyon sa iba pang tulad ko na nawalan ng pag-asa sa buhay. Para magsumikap na makabangon uli.

 Maraming salamat po.

Gumagalang,

Marco Mendoza

Student Dorm

Camp Sampaguita

 Muntinlupa City 1776

 

Dear Marco,

Salamat sa pagtitiwala mo sa pitak na ito para ibahagi ang personal mong buhay. Katulad ng iba pang liham na natatanggap ng inyong lingkod, karaniwan na kasunod ng mahabang sintensya sa isang bilanggo ay ang paglayo o paghahanap ng iba ng kanilang asawa o ‘di kaya’y girlfriend.

Nangyayari ito dahil nagiging mahina ang isang kabiyak sa maraming bagay. Pangunahin na sa tukso at ang pagkakaroon ng pangamba sa pagtataguyod sa naiwanan na anak.

Sa mga naranasan mo sa iyong pagkatisod, naniniwala akong natutunan mo na ang iyong leksiyon. At sana huwag itong mawaglit sa isip mo. Napakalaking bagay na magkaroon ka rin ng ispirituwal na gabay sa iyong pagsisimula sa tuwid na paniniwala. Magpatuloy ka sa iyong pagbabagong-buhay at hangad ng pitak na ito ang kaligayahan para sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AMINADO

CAMP SAMPAGUITA

DEAR MARCO

DR. LOVE

MARCO MENDOZA

MUNTINLUPA CITY

PERO

SANA

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with