^

Dr. Love

Misis 'undecided'

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Amber, nagkahiwalay kami ng asawa ko dahil sa laging umiinit ang ulo ko sa kanya. May mga anak siya sa una niyang babae. Bago kami ikasal may boyfriend po ako at siya ay mahal ko. Bumabalik po ang boyfriend ko at balak niya akong pakasalan sa kabila ng lahat.

Pinagtatanggol niya po ako sa mga kamag-anak niya. May communication pa po kami ng asawa ko. Tutol na po ang mga kamag-anak ko na balikan ko ang asawa ko.

Nalilito na po ako sa nararamdaman ko, Dr. Love. Mahal ko ang boyfriend ko pero may pagmamahal pa ako sa asawa ko. Sana po ay mapagpayuhan n’yo ako sa dapat ‘kong gawin. More power.

Amber

 

Dear Amber,

Nahihiwagaan ako sa iyo. May boyfriend ka na mahal mo pero hindi mo alam kung bakit nagpakasal ka sa lalaking may mga anak sa ibang babae. Sa palagay ko, dahil sa naiisip mo na ang asawa mo’y may anak sa labas, ‘yun ang dahilan kung bakit laging umiinit ang ulo mo sa kanya.

Wala sa asawa mo ang problema kundi nasa sayo Amber. Hindi mo nabanggit pero papaano ‘yun kung kasal ka sa asawa mo? Maliban na lang kung nag-live in lang kayo – walang problema, otherwise­ kailangan pa riyan ang matagal na proseso ng annulment­.

Maliwanag na undecided ka. Dahil sinasabi mong bagamat mahal mo ang dati mong kasintahan ay mahal mo rin ang asawa mo na humiwalay sa iyo.

I cannot decide for you. Ikaw lang ang makakapag-pasya niyan although para sa akin, makabu­buting makipagbalikan ka sa asawa mo. Ituring mo na lang tiklop na kabanata ang dati mong boyfriend.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ASAWA

BUMABALIK

DAHIL

DEAR AMBER

DR. LOVE

IKAW

ITURING

MALIBAN

MALIWANAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with