^

Dr. Love

Virgin pa ba ako?

-

Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo at sa lahat ng mga mambabasa ng pitak na ito.

Medyo maselan po ang problema ko at sana po ay matulungan ninyo ako.

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Nikka. Bata pa lang po ako n’ung minsang nakapanood ako ng porno. Simula po noon ay hindi na nawala sa isip ko ang napanood ko.

Natutunan ko na rin pong magparaos sa sarili ko. Onse ayos lang po ako noon. At ngayon na 19 na ko hindi pa rin po ako nag­babago. Pero kung meron man po akong ma­ipagmamalaki, ayun ay wala pang lalaki na na­kakagalaw sa akin.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Matatawag pa po ba akong virgin?

Nikka

Dear Nikka,

Alam mo, kapag in-expose natin ang ating sarili sa mga okasyon para magkasala ay na­gi­ging alipin tayo ng masamang espiritu ng ka­salanang yaon. Sa tanong mo kung virgin ka pa, ang sagot ko’y oo dahil wala pang umaangkin sa iyong lalaki. Pero kung magpapatuloy ka sa ganyang ginagawa mo, baka mawala ang iyong pagkadalaga nang wala sa oras.

Hindi mo nasabi sa akin ang iyong religious background. Pero kung ikaw ay isang bible-believing Christian, mangangailangan ka ng tulong ng mga kapwa mo Kristiyanong mananalangin upang ma-cast out ang evil spirit na maaaring umaalipin sa iyo ngayon.

Maki-join ka sa mga tunay na Kristiyano sa pag-aaral ng salita ng Diyos para malaman mo kung paano nag-ooperate ang devil para ibulid ang tao sa kasalanan. Humanap ka ng isang mature Christian (if possible babae rin) na malalim ang pananampalataya sa Diyos upang magkaroon ka ng full deliverance.

Iwasan mo na rin ang panonood ng mga por­nographic stuff gaya ng mga pelikula at babasahin at gawin mong abala ang sarili mo sa mga wholesome activities. Kasama akong mananalangin para sa iyo.

Bilang pangwakas, basahin mo sa iyong pag-iisa ang panalanging ito at angkinin mong sa’yo:

Panginoong Jesu Cristo, hindi ko kayang baguhin ang sarili ko kaya nais kong isuko ito sa iyo upang hugasan ng iyong banal na dugo. Namatay ka sa krus at muling nabuhay para sa aking kaligtasan. Sa iyong Pangalan, itinatakwil ko ang lahat ng masamang espiritu na nagtutulak sa akin upang lapastanganin ko ang aking sarili. Gabayan mo ako palagi at tanuran laban sa lahat ng masamang espiritung pakawala ni Satanas. Ito ang aking dalangin sa iyong banal na pangalan o Jesus, Amen!

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

DEAR NIKKA

DIYOS

DR. LOVE

IYONG

NIKKA

PANGINOONG JESU CRISTO

PERO

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with