^

Dr. Love

Gustong mapatawad

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa mga tagatangkilik po ng Dr. Love.

Ako po si Bong, 32 anyos, may asawa at isang anak na babae. Halos anim na taon na akong OFW at 3 beses pa lang nakauwi sa ‘Pinas. Noong pangalawang uwi ko, nagka­problema kaming mag-asawa. Nagselos po kasi ako matapos makita ang maraming numerong tumatawag sa kanyang cellphone. Pinabulaanan naman niyang may kinalolokohan siyang lalaki.

Sumama ang loob ko at naglasing ako. Sa kalasingan, nakipagtalik ako sa isang kapitbahay. Nang papalabas na ako sa bahay ng babae, naka­abang ang misis ko sa labas. Nag-away kami nung gabing ‘yun at nakikipaghiwalay, kina­bukasan pabalik na ako sa abroad.

Nitong huling pag-uwi ko, hindi niya ako tinantanan sa katatanong kung ano ang ginawa naming ng babae, sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat bago ako umalis. Sinabi ko rin na hindi na mauulit at pinagsisisihan ko na ang lahat. Nasa abroad na uli ako ngayon, halos 2 taon na rin akong humihingi ng tawad sa kanya maging sa mga magulang at kapatid niya. Pero hindi pa rin niya ako pinapatawad. Pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko at ako’y isang tao na may malinis na hangarin para sa pamilya. Sana po mapayuhan niyo ako, ano ang gagawin ko?

Maraming salamat and more power.

Bong

Dear Bong,

Hinusgahan mo ng husto ang misis mo, pero ikaw pala ang nagtaksil. Nangyari na ‘yan at hindi na kita sisisihin pa pero sana’y naging aral sa iyo ang iyong karanasan.

Ang payo ko, ligawan mo siya’ng muli. Padal­han ng bulaklak o tsokolate as if binata kang nanliligaw sa isang dalaga. Kaunting tiyaga dahil ikaw ang naging dahilan ng problema. Wika nga ng kasabihan, walang sugat na hindi naghihilom pagdating ng araw.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

DEAR BONG

DR. LOVE

HINUSGAHAN

KAUNTING

LIBANGAN

MAAARI

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with