^

Dr. Love

Mr. Magulo

-

Dear Dr. Love,

Greetings to you and all your officemates. Sumulat ako sa inyo upang humingi ng payo. Tawagin mo na lang akong Mr. Magulo, 44-anyos. Hiwalay ako sa asawa at may kina­kasama ngayon. Mahigit na kami sa isang taon.  May anak ako sa ibang babae pero hindi sa original.

Ang kinakasama ko ay nagtatrabaho sa Makati. Mabait at maalalahanin kahit may dalawang anak na siya. Kaya lang, sobrang selosa. Pag magka­sama kami,  ayaw na niya akong lumabas. Ayaw din niya akong tumawag o makipag-usap man lang sa aking anak. Pag galit siya,  ayaw magsalita kaya hindi ko alam kung saan ako nagkamali.  Pag nag-aaway kami, gusto niya ay ako ang unang maki­pagbati. Kung hindi ako ang mauuna ay tatagal ang aming hidwaan.

Tinitiis ko ang lahat ng ito alang-alang sa pag­mamahal ko sa kanya. Nagawa kong iwan ang asawa ko para sa kanya. Minsan, naiisip kong iwanan na siya pero ’di ko magawa. Kung darating man ang panahong magkakahiwalay kami, hindi na ako kukuha ng babaeng kakasamahin at anak ko na lang ang aking aasikasuhin.

Minsan kapag wala siya, pakiramdam ko’y para akong nakawala sa hawla. Pero kapag nariyan siya, parang ’di ko kaya siyang iwanan kahit nahihirapan ako. Umaasa ako sa maganda mong payo.

Mr. Magulo

 

Dear Mr. Magulo,

Bagay ang alyas mo. Magulo.  Para ka palang masokista eh. Gusto mo yung nasasaktan at nahihirapan.

Isa lang ang tanong ko: Ano’ng mas type mo, yung para kang ibong malaya kung wala ang babae mo  o yung nahihirapan kang makisama at ispelengin  ang ugali niya kapag kapiling mo siya? Dalawang bagay ang posibleng mangyari sa iyo depende sa pipiliin mong option. Mabuhay nang maligaya o maloko. Pero hindi kaya medyo may tama ka na nga dahil mas gusto mong nahihirapan sa piling niya kaysa maging maligaya at malaya nang wala siya? Ha-ha-ha...Naiisip ko tuloy yung lyrics ng isang pop song: “I’d rather have hard times with you, than good times with someone new.”  Hay naku..love is really crazy!

Come to your right senses man! Hindi maganda na pati relasyon mo sa iyong sariling dugo at laman ay sinasansala niya. Masyado siyang possessive. Tama siguro ang iniisip mo na anak mo na lang ang aasikasuhin at ’di na makikisama pa sa ibang babae kung hindi rin lang posibleng magkabalikan kayo ng orig mong asawa. Babooshki!

Dr. Love

AKO

DR. LOVE

MR. MAGULO

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with