Gustong mag-asawa uli
Dear Dr. Love,
Ako si Bea, isang tindera sa palengke at hiwalay na sa aking asawa. Kasal kami at may dalawa kaming anak. Tatlong taon na siyang wala sa a-ming piling matapos sumama sa ibang babae, at mula noon ay wala na rin kaming komunikasyon.
Sa ngayon ay mayroon na akong kasintahan. Ayaw ko muna siyang maka-live-in dahil alam ng mga tao sa aming lugar na may asawa pa ako. Palihim lamang kaming nagkikita. Gusto ko sana siyang mapangasawa, pero hindi ko alam kung paano dahil baka makasuhan ako ng bigamy. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Bea
Dear Bea,
Tama ang iyong naging pasya na huwag munang makipag-live-in o magpakasal habang may bisa pa ang iyong kasal. Tandaan mo na hindi awtomatikong napapawalang-bisa ang kasal kahit matagal nang magkahiwalay o may ibang kinakasama na ang isa sa mag-asawa.
Kung nais mong maging malaya na mu-ling magpakasal, kailangan munang dumaan sa tamang legal na proseso, tulad ng pagpapawalang-bisa ng kasal o iba pang nararapat na remedyo depende sa iyong sitwasyon. Kahit hindi na mahagilap ang iyong asawa, may mga legal na hakbang pa ring maaaring gawin.
Pinakamainam na kumonsulta ka sa isang abogado para masuri ang mga detalye ng inyong kaso at malaman kung ano ang pinaka-
mabuting paraan para maisaayos ang iyong katayuan. Kung seryoso ang iyong kasinta-han at pareho ninyong hangad ang kasal, maaari ka niyang samahan at suportahan sa pag-aasikaso ng mga kinakailangang proseso para maging legal at maayos ang inyong pagsasama.
Dr. Love
- Latest
















