^

Dr. Love

Umiibig sa may asawa

-
Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo at sa ‘di mabilang na tagasubaybay ng iyong popular column.

Ako po ay isang empleyado sa isang insurance company. Tawagin mo na lang akong Jennifer, 25-anyos. Mula noong high school ako, nagkaroon na ako ng 10 boyfriends pero hindi ako naging seryoso sa kanila. Agad ko ring bini-break.

Ngayon naman ay parang may nararamdaman akong kakaiba na sa palagay ko’y tunay na pag-ibig. Umiibig ako sa aking supervisor. Guwapo at maginoo siya at sa tingin ko’y hindi kami nagkakalayo ng edad.

Ang problema, sa kabila ng pagiging magiliw ko sa kanya ay parang hindi niya ako pansin. Wala akong pinag-iba sa ibang girls sa office kung itrato niya.

Tapos, nalaman ko na may asawa na pala siya at isang anak. Nalaman ko ito nang minsa’y isama niya sa opisina ang kanyang limang taong gulang na anak na lalaki.

Sa kabila nito’y hindi nabubura ang damdamin ko sa kanya. Lalo niya akong pinahanga sa kanyang pagiging maginoo at hindi mapagsamantala.

Ano ang gagawin ko para mawala ang damdamin kong ito?

Jennifer


Dear Jennifer,


Itanim mo lagi sa isip mo na pamilyado na siyang tao kaya gaano mo man siya kagusto, kahibangan na ibigin mo siya.

At kung magtagumpay ka man na mapaibig siya, isipin mo ang isang masayang pamilyang mawawasak mo. Magkakaroon ka ng pangit na reputasyong "home wrecker." I’m sure hindi mo gugustuhin iyan.

Maghintay ka at darating din ang akmang lalaki para sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR JENNIFER

DR. LOVE

GUWAPO

ISANG

ITANIM

JENNIFER

MAGHINTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with