^

Dr. Love

Limutin na ang kahapon

-
Dear Dr. Love,

Una po sa lahat ay bumabati ako ng isang magandang araw sa inyo at sa libu-libong sumusubaybay ng inyong kolum. Ang ihihingi ko po ng advice ay ang problema ng aking best friend. Tawagin na lamang natin siyang Ms. Gemini. Si Mr. Scorpio po ang lalaking mahal niya. Nagkaroon sila ng relasyon pero hindi ito sineryoso ng kaibigan ko. Isang kaibigan ni Mr. Scorpio ang nagtanong sa kaibigan ko kung sila na nga (ni Mr. Scorpio) pero itinanggi ito ng kaibigan ko. Ang akala kasi ni Ms. Gemini ay nagbibiro lamang ang kaibigan ni Mr. Scorpio.

Nakarating ang bagay na ito kay Mr. Scorpio at nagalit po ito at nagsabing ginawa lang siyang panakip-butas ng kaibigan ko. Magmula noon ay iniwasan na siya ni Mr. Scorpio. Dito napagtanto ng kaibigan ko na mahal pala niya si Mr. Scorpio. Lahat ay kanyang ginawa para pansinin siya nito pero iniiwasan siya ni Mr. Scorpio.

Marami itong pasaring sa kaibigan ko pero hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Ms. Gemini na muli siyang papansinin ni Mr. Scorpio. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang sitwasyon nila. Mahigit isang taon na ang lumipas.

Dapat pa bang umasa ang kaibigan ko na magkakabalikan sila ni Mr. Scorpio? Sana po ay mapayuhan ninyo siya. Lagi siyang nagbabasa ng inyong column.

Gumagalang,

Liezel


Dear Liezel,


Kung isang taon na ang lumipas at hindi pa nangyayari ang inaasahan ng iyong kaibigan, huwag na siyang umasa pa.

Marahil, napakalalim ng sugat na nilikha ng kaibigan mo sa puso ng lalaking kanyang mahal.

Sabihin mo sa kaibigan mo na harapin ang kinabukasan at patuloy na mamuhay nang normal. Huwag na niyang asahan na makikipagkasundo sa kanya ang lalaking iyon.

Dr. Love

vuukle comment

DAPAT

DEAR LIEZEL

DITO

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

KAIBIGAN

MR. SCORPIO

MS. GEMINI

SCORPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with