^

Dr. Love

Nagdadalawang-loob

-
Dear Dr. Love,

Salamat sa pagpapaunlak mong mailathala ang sulat ko. Ako po si Greg, 24 years-old at may dalawang kasintahan.

Pareho ko silang mahal at wala akong itulak-kabigin. Hindi nila alam ang tungkol sa isa’t isa.

Alam kong isa lang ang dapat kong pakasalan sa kanila. Pero parang hindi ko magawang iwanan ang sino man sa kanila. Si Loren ay maganda at mabait. Alam kong magiging uliran siyang asawa.

Si Vina naman ay maganda rin, matalino at mas moderno. More out- going siya at mahilig sa party.

Sa palagay mo, sino ang dapat kong piliin?

Greg


Dear Greg,


Korek ka diyan sa pagsasabing isa lang ang dapat mong piliin. Otherwise, masyado ka namang buwaya sa babae.

Hindi ako puwedeng mag-decide para sa iyo. Unang una, hindi ko kakilala ang dalawang siyota mo. You are in the best position para mamili dahil mas kilala mo sila.

You will be unfair kung dala-dalawa silang umaasa na magiging asawa mo balang araw. As soon as possible, makipagkalas ka sa isa sa kanila para naman mabigyan ng laya ang isa at makahanap ng bagong pag-ibig.

Masasaktan ang iiwanan mo pero pansamantala lang iyan. Walang sugat na hindi gumagaling.

Dr. Love

ALAM

DEAR GREG

DR. LOVE

GREG

ISA

KOREK

MASASAKTAN

PAREHO

SI LOREN

SI VINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with