^

Dr. Love

Dalawa silang mahal ko

-
Dear Dr. Love,

Hello po sa lahat ng taga-PSN especially to you, Dr. Love. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Dr. Love, naguguluhan po ako sa aking sitwasyon ngayon dahil dalawa po ang lalaki sa buhay ko. Ang isa ay tawagin nating si Mr. R.P., 26 years-old. Ang isa pa ay si Mr. P.S., 24 years-old.

Ang problema ko ay kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa. Pareho nilang gustong magpakasal sa akin, lalo na si Mr. P.S. Limang taon na po ang aming relasyon sa Enero 25, 2002 samantalang si Mr. R.P. naman ay isang taon ko pa lang karelasyon noong Okt. 1, 2001.

Gulung-gulo po ang utak ko ngayon at sana ay matulungan ninyo ako.

Lubos na gumagalang,
Ms. Pisces


Dear Ms. Pisces,


Alam ba ng mga boyfriend mo na iisa ang kanilang siyota? If not, you’re not being fair lalo na sa kasintahan mo for five years.

Hindi ako puwedeng magdesisyon para sa iyo. Ikaw ang nakakakilala sa mga boyfriends mo at ikaw ang dapat makadama kung sino ang mas matimbang sa puso mo.

Habang maaga ay mamili ka. Makipag-break ka sa isa. Of course, masasaktan ang sino mang ididispatsa mo pero dapat mong gawin ito para huwag lalong bumigat ang iyong problema.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

DR. LOVE

ENERO

GULUNG

HABANG

IKAW

LIMANG

MR. P

MR. R

MS. PISCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with