^

Dr. Love

Pinsan ng bf ko, interesado sa akin

-
Dear Dr. Love,

First of all I want to greet you a pleasant good day. Bago po ang lahat, tawagin mo na lang akong Ms. Scorpio. Ang boyfriend ko ay si Mr. Scorpio dahil isinilang siya noong Nobyembre 21, 1976.

Sumulat po ako sa inyo para humingi ng payo tungkol sa problema ko sa aking nobyo. Ikaw lang po ang inaasahan kong makakatulong sa akin kaya kailangan ko ang payo mo.

Naguguluhan po ako dahil hindi ko matiyak kung magkakatuluyan kami ng boyfriend ko. Ang dahilan, tutol sa kanya ang parents ko. Mahal na mahal ko pa naman siya. Wala naman akong problema sa mga magulang niya.

Nagkakilala kami ng boyfriend ko nang magtrabaho ako sa Iloilo. Ako po ay isang Zamboangueña. Sa ngayon po, apat na taon na ang aming relasyon.

Ang isa pa pong nakagugulo sa isipan ko ay ang pangyayaring nagkagusto rin sa akin ang pinsan niya. Magkahiwalay kami ngayon ng bf ko dahil nga narito ako ngayon sa Maynila.

Minsan, tumawag sa akin ang pinsan niya. Gusto niyang makipagkita sa akin at mayroon daw siyang importanteng sasabihin tungkol sa boyfriend ko. Matagal na kasing hindi sumusulat si Mr. Scorpio sa akin. Minsan, tinawagan ko siya at tinanong kung bakit hindi siya sumasagot sa sulat ko. Ang sagot niya, busy lang siya.

Sa ngayon po, gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya. Hindi rin niya ako sinagot .

Sana payuhan mo po ako

Thanks to you and more power!
Ms. Scorpio


Dear Ms. Scorpio,


Madali namang makipag-break kung talagang alam mong wala ka nang pagtingin sa nobyo mo dahil na rin sa nagpabaya siya sa iyo. Kaya nga lang, ang medyo hindi maganda ay nagkagusto ka naman yata sa kanyang pinsan kaya gusto mo siyang kalasan.

Tiyakin mo muna kung talagang mahal ka ng pinsan niya dahil malay mo namang pinasusubukan ka lang ng nobyo mo para tingnan kung kahit magkahiwalay kayo, tapat ka pa rin sa kanya.

Alamin mo ang katotohan ng kung anong maaaring ipagtapat sa iyo ng pinsan niya. Bakit naman nagkagusto siya kaagad sa iyo gayong hindi pa naman kayo nagkikita at gayong alam niyang nobyo mo ang pinsan niya?

Mahirap makipagsapalaran sa pag-ibig. Kung gusto mong kalasan si Mr. Scorpio, go ahead pero huwag ka agad susunggab sa maaaring patibong lamang ng pinsan niya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAMIN

DR. LOVE

KUNG

MINSAN

MR. SCORPIO

MS. SCORPIO

NIYA

PINSAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with