^

Dr. Love

Muli niyang binuksan ang puso ko

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Just call me Mr. Scorpio, 23 years-old. Ako po ay isang Born-Again Christian. Isa rin po akong tapat na tagasubaybay ng inyong column. Araw-araw ko itong inaabangan at ito ang una kong binabasa dahil nabe-bless ako sa mga advice ninyo.

Kaya po ako sumulat ay para i-voice out ang burden na nasa loob ko. Ako po ang tipo ng lalaki na hindi basta-basta nagkakagusto sa isang babae. Hindi naman ako torpe o pihikan.

Simula nang mag-break kami ng first girlfriend ko noong 1997 at until now ay hindi na ako muling nanligaw pa. Parang tumigas ang puso ko. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung bakit ayaw ko pang manligaw muli at ang sagot ko naman ay walang gustong pumatol sa akin.

Pero ang totoo, natatakot akong masaktan muli, magkamali at magsisi sa bandang huli. Isa pa, ang gusto ko kapag nanligaw ako at napamahal sa akin ang babae ay siya na forever.

Lately, I met Ms.Virgo. She is 18 years-old. Madali kaming naging close dahil madali siyang pakisamahan, laging nakangiti, masayang kausap at palakaibigan.

Magkasama kami sa trabaho at hindi niya alam na unti-unti niyang binubuksan ang puso ko. Alam niya na wala pa akong girlfriend at ang sabi niya sa akin ay ligawan ko raw si Ms. April o Ms. Aries.

Pero sinabi ko sa kanya na siya ang gusto ko at ang sabi niya sa akin ay "umayos ka nga."

I think I’m in love with her at ngayon ko lang ito ulit naramdaman after four years. Bumabagsak ang katawan ko dahil sa kanya.

Dr. Love, pagpayuhan po ninyo ako. Ang isa ko pang problema ay miyembro siya ng Iglesia ni Kristo. Ang alam ko ay bawal sa kanila ang magkarelasyon sa hindi nila katulad ng pananampalataya. Maliban na lamang kung aanib ako sa kanila.

Hihintayin ko po ang inyong sagot. God bless and more power.

Mr. Scorpio


Dear Mr. Scorpio,


Mahirap nga ang sitwasyon mo. Kaya lang, hindi mo naman matuturuan ang puso mo kung sino ang dapat ibigin.

Makabubuting ipagtapat mo na kay Ms. Virgo ang niloloob mo and take it from there. Kung sabihin niyang ayaw niya sa iyo, find another girl na makakasundo mo sa pananampalataya. Marami pang mga babae riyan, hindi lang si Ms. Virgo.

Mahirap kasing isyu ang tungkol sa relihiyon. Walang gustong magpatalo tungkol diyan, not unless you will decide na umanib sa relihiyon niya at talikuran ang pagiging Born-Again Christian.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BORN-AGAIN CHRISTIAN

DR. LOVE

ISA

KAYA

MAHIRAP

MR. SCORPIO

MS. APRIL

MS. VIRGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with