^

Dr. Love

Dahil sa cellphone

-
Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pangungumusta at sana ibilang na ninyo ako sa inyong regular na tagahanga at mambabasa ng inyong pitak.

Ako po ay isang empleyado, may asawa at dalawang anak. Ang problema ko po ngayon ay itong nausong cellphone na siyang gamit ng babaeng naloloko sa asawa ko para magpahatid ng kanyang mga mensahe ng kalandian sa aking kabiyak.

Ang irony po nito, ang cellphone na may kakayahang pagpadalhan ng text message ay regalo ko pa sa aking husband sa kanyang birthday. Hindi pa simpleng cellphone ang hiningi niya kundi yaon pang mamahalin na pinagbigyan ko naman dahil mahilig siya sa electronics gadget.

Itong babaeng binanggit ko na sa inyo ay alam kong matagal nang may kursunada kay John. Noong una, ako muna ang kinaibigan niya at siya pa ang nag-ahente ng unang cellphone na binili ko para sa aking husband. Sa kanya ko rin kinuha ang cellphone na may text message kaya nakuha niya ang numero ng cellphone ni John.

Noong una, hindi ko pinapansin ang mga malalagkit niyang titig sa aking asawa at ang mga pakapit-kapit niya sa balikat nito. Hanggang minsan, nabasa ko ang mga text message niya sa husband ko na puro kalaswaan at nagtatakda pa ng date sa kanya.

Ang asawa ko siyempre ang una kong hinarap. Subalit nagalit siya dahil hindi naman daw niya ito pinapatulan. Handa raw niyang palitan ang numero ng kanyang cellphone para hindi na ito matawagan ni Gina.

Sa kakukulit ko naman, lagi kaming nagkakasamaang-loob ng aking mister. Palagi raw akong nagseselos nang wala namang basehan.

Ewan ko, parang na-insecure ako kay Gina dahil mas bata siya sa akin at malambing. Ano po ba ang dapat kong gawin? Ayaw ko namang laging nagkakaaway kami ng aking mister.

Tulungan mo po ako.
Lita



Dear Lita,


Walang dahilan para magselos ka sa iyong asawa dahil hindi mo naman siya nahuhuling nagtataksil sa iyo. Kung ang babae man ang siyang lumalapit sa asawa mo, kung ang asawa mo naman ang umaayaw, wala siyang magagawa. May dahilan ka lang maghinala kung hindi ka sigurado sa katapatan ng asawa mo.

Itigil mo na ang kahihinala nang walang basehan dahil ito ang pinagmumulan ng inyong away.

Maaaring nagpapadala ng text message sa iyong asawa ang babaeng iyon para nga pag-awayin kayo at siya naman ang balingan ng pansin ng iyong asawa.

Iyan ang iwasan mo. Ipakita mo kay Gina na hindi ka takot sa kanya at may tiwala ka kay John.

Papalitan mo na lang ang numero ng cellphone ng iyong asawa at kung makuha pa itong muli ni Gina, dito mo na siya harapin at pagsabihan na huwag na siyang mangulit sa asawa mo dahil hindi siya papatulan ng mister mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

ANO

ASAWA

CELLPHONE

DEAR LITA

DR. LOVE

GINA

NOONG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with