^

Punto Mo

Asbag na asawa ng dating heneral

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI mawawala sa Pilipinas ang mga asbag o ‘yung akala mo naman kung sinong mayabang. Mabuti sana kung may ipagyayabang talaga subalit ang masama nito, sila na may kasalanan ay sila pa itong matapang.

May kilala ba kayong ganito? Puwes, may ipapakilala akong hinayupak sa inyo!

Noong isang araw lumapit ang mag-asawang Diaz sa BITAG Headquarters upang ireklamo ang may-ari ng Mersan Snow White Transportation na nakabangga sa kanila dalawang taon na ang nakalilipas.

Enero 26, 2016, nabangga ng bus ang kanilang van sa Tungko, Bulacan. Dahil hindi nagkasundo sa San Jose Police Station ang magkabilang panig  nauwi sa demandahan. Nang matapos ang kaso natalo ang transport company at suspendido pa ng tatlong buwan.

Hanggang ngayon, matigas pa rin ang bunbunan ng nasabing kompanya. Ang natitirang P250,000 hindi binayaran sa talyer na pinagpagawaan ng van.

Alam n’yo ang mas nakakapanggalaiti pa rito mga boss? Mismong mga pobreng biktima ang nagpagamot sa sarili nila.

Ang mag-asawa, nabakalan sa paa at tagiliran ng katawan dahil sa kapulpolan ng bus driver. Kung sino pa ang naperwisyo, sila pa ang sinisi ng mga tarantado.

Mantakin n’yo, malaking abala at perwisyo raw ang binigay nila dahil nasuspende sila sa LTFRB, kapalmuks din kayo e ano? Ob-ob!

Sa pag-iimbestiga ng Kilos Pronto lumabas ang katotohanan. Kaya pala malakas ang loob ng kolokay na magyabang, asawa raw siya ng dating heneral. E ano ngayon? Kalahi nga ni Satanas di namin inaatrasan, ikaw pa kaya?

Ito namang liason officer ng Mersan mukhang nakatunog at di na sumagot ng aming tawagan. Mukhang nagtago na sa salawal ng kanyang ina ang kumag.

Kaya para masolusyunan ang problema, diniretso na namin kay Usec. Tim Orbos ng Department of Transportation at nangako na tutuldukan na raw nila ang problema ng mag-asawa.

Wala pa man ay naiyak na sa tuwa si nanay at nakahinga nang maluwag. Kita n’yo ang katangahan d’yan sa Mersan? Hindi n’yo ba alam na ginagamit din ng mag-asawa ang van sa negosyo nila?

Kaya kay dating General Maganto, imposible naman siguro na hindi mo alam ang kasong ito! Pagsabihan mo rin ang iyong asawa kung ayaw mong mabahiran nang masama ang iyong pangalan!

Kung hindi mo sosolusyunan ito, kami mismo ang susugod sa inyong lungga! Itaga mo sa bato, tututukan namin ang problemang ito.

vuukle comment

MERSAN SNOW WHITE TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with