Heavy Bombers swak sa Finals
MANILA, Philippines — Tinuldukan ng Jose Rizal University ang 18 taong paghihintay na muling makalaro sa Finals matapos nilang patalsikin ang Letran, 85-79 sa Game 2 ng best-of-three semifinals sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.
Huling finals appearance ng Heavy Bombers ay noong pang 2008 at dahil sa panalo ay muli nilang susubukan na sikwatin ang kampeonato.
Taong 1972 huling nagkampeon ang Kalentong-based squad sa NCAA.
Samantala, nakahirit ng deciding Game 3 ang Emilio Aguinaldo College matapos nilang paamuhin ang mabalasik na San Beda University, 75-64 sa Game 2 ng kanilang best-of-three semis series.
Tabla na ang serye sa 1-1 kaya asahang magiging kapana-panabik ang magiging bakbakan para sa huling finals slot.
Kinapitan ng EAC ang nagliliyab na opensa ni MJ Raymundo na nagtala ng 20 points, walong rebounds at tatlong assists.
- Latest















