Pax Silica hindi iaanunsiyo sa ASEAN - US envoy

MANILA, Philippines — Walang nakatakdang anunsyo kaugnay ng Pax Silica initiative sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa Maynila.
Sinabi ni Ambassador to the Philippines Lee Lipton, na walang nakatakdang anumang anunsiyo tungkol sa Pax Silica Economic Security Zone.
Giit ni Lipton, ang nasabing desisyon tungkol dito ay gagawin sa tamang panahon matapos ang masusing konsultasyon sa pamahalaan ng Pilipinas tungkol sa magiging epekto nito sa lahat ng sektor at mga stakeholders.
“As stated previously and as part of this process, we expect rigorous discussion on impacts to all stakeholders,” saad pa ng ambassador.
Ang 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits ay nakatakdang gawin sa bansa mula Nobyembre 16-18 kung saan inaasahang dadalo rito ang iba’t ibang lider ng bansa kabilang si US President Donald Trump.
Sa nakalipas na mga buwan, naging sentro ng kontrobersiya sa Pilipinas ang Pax Silica initiative na planong itatag sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Una nang naiulat na magtatayo sa lugar ng isang data center para sa artificial intelligence (AI), na ikinabahala ng mga environmental group dahil sa posibleng masamang epekto nito sa kapaligiran.
- Latest




















