^

Probinsiya

Coed tumangging makipagbalikan inutas ng ex-bf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Coed tumangging makipagbalikan inutas ng ex-bf
Kinilala ang nasawing dalaga sa pangalan lamang nitong “Risa” na agad binawian ng buhay sa tinamong mga saksak sa katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtangging maki­pagbalikan, pinatay sa saksak ang isang 21-anyos na college student ng dating boyfriend na kapwa estudyante bago nagsaksak sa sarili ang huli sa Brgy. Poblacion, Sibonga, Cebu nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing dalaga sa pangalan lamang nitong “Risa” na agad binawian ng buhay sa tinamong mga saksak sa katawan.

Sugatan naman at patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang desperadong dating nobyo na kinilala sa pangalang “John”, nagtamo ng sugat sa leeg at dibdib nang magtangkang mag-suicide sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili matapos na pagpaslang nito ang kasintahan.

Batay sa imbestigasyon ng Sibonga Police, ang biktima ay nakipag-break sa suspect nitong nakalipas na buwan ng Hulyo matapos ang apat na taon nilang relasyon dahil umano sa pagiging seloso ng nobyo.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima sa pulisya, dumating ang suspect sa tinutuluyan nilang kuwarto ng kaniyang kapatid upang makipag-usap sa biktima para kumbinsihin na makipagbalikan sa nasabing lalaki.

Dahil dito, lumabas ng kuwarto ang kapatid ng biktima pero biglang ini-lock ng suspect ang pinto at pinipilit ang dalaga na makipagbalikan dito.

Gayunman, tumanggi ang biktima kung kaya nagalit ang suspect at tila naburyong hanggang sa pagsasaksakin ang dating katipan gamit ang isang kutsilyo sa loob ng silid.

Matapos mapatay ang biktima, tinangka ng suspect na mag-suicide nang magsaksak sa sarili na inabutan pa ng mga awtoridad na duguan ding nakahandusay sa tabi ng patay nang ex-girlfriend.

RISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with