^

Bansa

All systems go sa MORE power - ERC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tapos na ang problema sa supply ng kuryente sa Iloilo City at makakaasa na ang libu-libong residential, commercial at industrial power users sa tuloy-tuloy na serbisyo mula sa bagong Distribution Utility na More Electric and Power Corp. (MORE Power).

Sa isang statement na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC), sinabi ni Chairperson Agnes Devanadera na tuluyan nang natuldukan ang isyu sa pagitan ng More Power at Panay Electric Co. (PECO). Kinikilala anya ng ahensya ang More Power bilang siyang distribution utility sa Iloilo City na may lehitimong legislative franchise na inisyu ng Kongreso at may hawak ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na aprubado ng ERC.

Sinab ni Devanadera na wala nang karapatan ang PECO na mag-operate sa Iloilo City matapos na rin kanselahin ng ERC ang provisional CPCN na ibinigay nito noong Enero 18, 2019.

Noong Marso 5, 2020 ipinalabas ng ERC ang CPCN ng More Power na siya ring umpisa ng monthly billing ng mga consumer at sa More Power na ito magbabayad ng distribution charges.

Sinabi naman ni MORE Power President at Chief Operating Officer Roel Castro na umaasa sila ng maayos na pag-takeover ng kumpanya sa Iloilo City. Sa mga kritiko nito ay mainam umano na tignan ang batas at desisyon ng ERC sa usapin.

Sa ilalim ng prangkisa ng More Power ay mayroon itong 25 taon para i-operate ang supply ng kuryente sa Iloilo City habang winakasan naman ang 95 taong pag-o-operate ng PECO.

ELECTRIC AND POWER CORP.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with