^

Bansa

40 kabataan pasok sa flesh trade

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang na­bulag na ng mala­king halaga ng payola kada linggo ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaya nagpapatuloy ang ope­rasyon ng flesh trade na ginagawang front ang lehitimong spa health massage club na nasa gilid ng Uniwide Coastal Mall sa Parañaque City. Ayon pa sa source, dinarayo ng mga dayuhang banyaga at negosyante mula sa malalayong lalawigan ang U2 Health Club kung saan aabot sa 40 kabataang babae mula sa ilang computer college na nagbibigay ng panandaliang aliw bilang extra job. Sinasabing paborito ng mga dayuhan ang tinatawag na double ser­vice kung saan dalawang kabataang babae ang nagbibigay ng extra ser­vice sa halagang P4,000 at P1,600 bilang bayad sa kuwarto. Napag-alaman din sa source na may lingguhang payola ang ilang tiwaling opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group, lokal na pulisya sa Parañaque City at maging ang ilang tauhan ng National Police Commission (Napolcom) at National Bureau of Investigation (NBI) na may kanya-kanyang kolek­tor. Nabatid din na may showroom ang nasabing health club kung saan nakaupo ang mga masahistang binigyan ng uniporme at alyas na pangalan na animoy ekspertong physical therapist pero ang tunay na gawain ay sinasabing nagbibigay ng panandaliang-aliw.   Samantala, nanawagan naman ang ilang grupo ng kababaihan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular na sa pamunuan ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Department of Justice at Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng hakbang para ma­sugpo ang flesh trade na patuloy ang operasyon sa nabanggit na health club.

vuukle comment

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

HEALTH CLUB

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL POLICE COMMISSION

SHY

UNIWIDE COASTAL MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with