^

Bansa

Impostor, nagpanggap na Sandiganbayan justice

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Para matunton testigo ni Romualdez - Remulla

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may isang impostor na nagpanggap umanong mahistrado ng Sandiganbayan upang matunton ang isang pangunahing testigo sa kasong plunder laban kay Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ayon kay Remulla, ginamit ng naturang indibidwal ang pangalan ni Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda habang tinatangkang alamin ang kinaroroonan ni Samchan Foreign Exchange President Felicito Guevarra.

“Mukhang gumagamit ito ng mga dating tauhan ng NBI dahil tila pinupuntirya nilang matukoy kung saan itinatago ang testigo. Lahat ng paraan ginagawa nila,” pahayag ni Remulla.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Ombudsman sa umano’y online propaganda na naglalayong ihanda ang publiko sa posibilidad na payagang makapagpiyansa si Romualdez.

Ayon kay Remulla, kumakalat sa internet ang mga ulat na maaaring makalaya pansamantala ang dating House speaker habang dinidinig ang kanyang kasong plunder.

“Parang gusto nilang kondisyunin ang publiko na huwag magulat kung makakuha siya ng bail. Pero kami, we’re vigorously opposing that. Sinubukan na nila noon, kumuha sila ng mga blogger para sirain ang diskarte ng Ombudsman. Hindi kami nagpapasira ng diskarte,” dagdag niya.

Hinimok ni Remulla ang publiko na bantayan ang mga pagdinig sa kaso dahil aniya’y mahalaga ito sa kinabukasan ng bansa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with