^

Bansa

ICC: Paglilitis ni Duterte itinakda hanggang Abril 27

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ICC: Paglilitis ni Duterte itinakda hanggang Abril 27
Photos courtesy of the International Criminal Court show former president Rodrigo Duterte during his first in-person appearance before the tribunal since his arrest in March 2025.
Photos/ICC | via Janvic Mateo

MANILA, Philippines — Tatagal ng hanggang Abril 2027 ang paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula sa Nobyem­bre 30.

Tatlong kaso ng crimes against huma­nity ang kinakaharap ni Duterte.

Sa unang araw ng proceedings, babasahin kay Duterte ang mga kasong crimes against humanity na kinumpirma ng korte noong Abril 23. Hindi na kabilang sa babasahin ang mga partikular na insidenteng nakapaloob sa tatlong counts.

Sa kautusan ng ICC Trial Chamber III na may petsang Nobyembre 26, unang ilalahad ng prosekusyon ang kaso nito sa loob ng dalawang oras at 15 minuto, habang isang oras at 30 minuto naman ang inilaan sa mga kinatawan ng mga biktima.

Maglalaan naman ng isang oras para ilahad ng kampo ni Duterte ang depensa bago simulan ang testimonya ng unang testigo ng prosekusyon.

Magkakaroon ng apat na sesyon kada araw simula Nobyembre 30, mula alas-5 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Ihihinto ang paglilitis sa Disyembre 18 para sa judicial recess.

Ang presentasyon ng ebidensiya ng prosekusyon at itinakda sa tatlong bahagi sa 2027: Enero 12hanggang Pebrero 19, Marso 1 hanggang 24, at Abril 5 hanggang 30.

ICC

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with