^

Bansa

Senado, tinapos na marathon sa P7.2 trilyong 2027 budget

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinapos na ng Senado ang masusing pagtalakay sa panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027 matapos ang ilang araw na marathon deliberasyon.

Ayon sa tanggapan ni Senate President Sherwin Gatchalian, natapos ang budget debates bandang ala-1:25 ng madaling-araw ng Sabado.

Kabilang sa mga pinakamalalaking badyet na natalakay ang DPWH na may panukalang P587.9 bilyon, DOH na P378.6 bilyon, Defense na P326.9 bilyon, at DA na P175 bilyon.

Sinuri rin ng Senado ang mga panukalang pondo ng Hudikatura na P84.1 bilyon, Kongreso na P27.89 bilyon, CHED na P38.8 bilyon, at Department of Migrant Workers na P11.89 bilyon.

“Tapos na ang pagtalakay ng Senado sa 2027 national budget. Ilang araw natin itong pinagpuyatan para masuri nang mabuti ang panukalang pondo ng bawat ahensya,” pahayag ni Gatchalian sa Facebook.

Nagpasalamat din siya sa mga senador, empleyado ng Senado at iba pang sektor na tumulong sa pagsusuri ng panukalang badyet.

Ayon kay Gatchalian, layunin ng Senado na matiyak na magiging malinaw, tapat, at kapaki-pakinabang sa mamamayan ang paggamit ng pondo ng gobyerno sa 2027.

BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with