^

Bansa

Mga transaksiyon lutong-makaw; bid rigging sa National Printing Office buking

-

Todo-bantay ngayon ang Malakanyang laban sa malaking sindikato ng mga printing firm na nag-oope­ rate sa National Printing Office na kuma­kamal uma­no ng limpak-limpak na salapi.

Ayon sa report, pikon na ang Palasyo dahil sa mga sumbong na nata­tanggap hinggil sa rig-bidding sa NPO na mala­mang ay pag-piyestahan na rin ng mga mamba­batas sa Kongreso saka­ling magpatuloy ang mga kabulastugang ganito.

Ayon sa report, mis­mong si NPO-Bidds and Awards Committee (BAC) chairman Miguel Arcadio ang sumulat sa tangga­pan ni Ruby U. Alvarez, executive director ng Government Procurement Policy Board para ipagbigay-alam ang gi­nawa nilang pag-black list sa Ready Forms, Inc, isang printing firm na pi­namama­halaan ng isang nagnga­ngalang Guiller­mo Sylian­teng Jr.

Sa nasabing ulat, ipi­nababatid nila sa Department of Budget and Management (DBM) sa pa­mamagitan ng GPPB, kung bakit ipina-black list ang Ready Forms na may ha­wak ng kontrata sa Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), Pag-ibig Homes at iba pang mga major pro­ vincies and cities sa bansa.

Sinabi sa ulat ni Ar­cadio na lumilitaw sa isi­nagawa nilang imbes­tigasyon ka­makailan na may mga pine­keng doku­mento ang Ready Form dahilan para isuspinde at i-blacklist ito sa mga accredited printers ng NPO.

Nais ng Malakanyang na maalis na ang hinala ng ilan sa sinasabing lutuan sa bidding sa NPO, tulad ng mga nagaganap na rig-bidding sa ginawa namang pag-black list ng World Bank sa pitong construction firm na accredited naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakatakdang umupo sa NPO si dating Presidential Security Guard ret. Gen. Tirso Danga, kapa­lit ng sinibak na hepe ng NPO na si Enrique Agana. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BIDDS AND AWARDS COMMITTEE

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENRIQUE AGANA

GOVERNMENT PROCUREMENT POLICY BOARD

READY FORMS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with