^

Bansa

Lacson kay Villar: Ethics harapin; 'wag mapikon

-

Hinamon kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Senate President Ma­nuel Villar na humarap sa ethics committee ng ma­taas na kapulungan at huwag mapikon sakaling may magsampa ng rek­lamo laban sa kanya.

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na hindi dapat magalit si Villar sakaling may magsampa ng reklamo laban dito kaugnay sa sinasabing “conflict of interest” sa double entry ng P200 milyong C-5 Road project.

Nilinaw pa ni Lacson na nasa rules naman ng Se­nado ang pagsasalang sa committee on ethics laban sa isang miyembro kapag nakitaan ng conflict of interest. Ipinunto pa ni Lacson na kung walang kinatata­kutan si Villar, hindi ito dapat matakot humarap sa ethics committee,

Binalewala naman ni Villar ang balak ng minorya na ireklamo siya sa Ethics dahil siya ang naargab­yado sa nasabing isyu kaya siya ang may kara­patang magreklamo.

Sinabi ni Villar na kung tutuusin siya ang dapat magreklamo lalo pa’t wala namang napatunayan ang Senate Committee on Finance.(Malou Escudero)

vuukle comment

BINALEWALA

HINAMON

IPINUNTO

LACSON

MALOU ESCUDERO

NILINAW

PANFILO

SENATE COMMITTEE

SENATE PRESIDENT MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with