^

Bansa

Kampo ni Duterte pinababasura testimonya ng ex-Davao cop

Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Duterte pinababasura testimonya ng ex-Davao cop
Former Philippine President Rodrigo Duterte appears at the International Criminal Court (ICC) in The Hague on September 16, 2026, during a preparatory session as he faces charges over his “war on drugs,” which killed thousands.
AFP / Pool / Piroschka Van De Wouw

MANILA, Philippines — Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ng Trial Chamber III ang testimonya ng isang dating pulis ng Davao City na nais ipasok bilang ebidensya ng mga taga-usig ng International Criminal Court (ICC) sa paglilitis.

Kinukuwestiyon ni Peter Haynes, abogado ni Duterte, ang pagtanggap sa naunang recorded testimony ni P-0002 na ayon sa depensa ay may “seryosong kakula­ngan.” Si P-0002 ay dati umanong miyembro ng Davao Death Squad.

Iginiit ni Haynes na sa ilalim ng mga tuntunin ng ICC, maaari lamang tanggapin ang naunang naitalang testimonya kung may patunay na hindi na kayang humarap at magbigay ng testimonya sa harap ng korte. Kung walang ganitong patunay, iginiit ng depensa na dapat personal na humarap si P-0002 upang magbigay ng testimonya sa korte (viva voce).

“Absent such proof, the prior recorded testimony cannot be admitted and the witness must be called to give his evidence viva voce,” sabi ni  Haynes sa isang public redacted filing noong Nob­yembre 18.

Ayon pa sa depensa, walang sapat na mga dokumentong sumusuporta sa aplikasyon para tanggapin ang ebidensiya ni P-0002. Hindi rin umano nagsumite ng sinum­paang salaysay ang isang hindi pina­ngalanang “sole source” na binanggit kaugnay ni P-0002 upang ipaliwanag ang mga pangyayari sa panig ng testigo.

Sinabi rin ni Haynes na walang natagpuan ang depensa na mahalagang ebidensiyang nagpapatibay sa mga pahayag ni P-0002 sa kabuuang 62,000 ebidensiyang isiniwalat ng mga taga-usig.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with