^

Bansa

Plunder vs Binay

- Butch M. Quejada -
Kinasuhan ng plunder o pandarambong si Makati Mayor Jejomar Binay matapos ipa-freeze ng BIR ang lahat ng salapi nito dahil sa hindi nare-remit na mahigit sa P1 bilyong withholding tax mula sa mga empleyado ng lungsod.

Ayon kay Oscar M. Ibay, kandidato sa pagka-kongresista ng lungsod, kahit mabayaran ni Binay ang utang ng Makati sa BIR, may criminal liability pa rin ang alkalde sa empleyado nito dahil sa hindi pagre-remit ng bayad sa tax na regular na kinakaltas sa sweldo ng mga obrero ng siyu dad mula pa 1999 hanggang 2004.

Pinigil na ng BIR ang lahat ng account ng Makati City dahil sa hindi pagbabayad ng pamunuan ng siyudad ng tax samantalang naikaltas na ito ng regular sa mahigit 8,000 empleyado ng Makati City.

Ipinaliwanag ni Ibay na sinampahan niya ng plunder at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices si Binay sa Office of the Ombudsman dahil sinira ng alkalde ang pagtitiwala at kumpiyansang ibinigay ng empleyado hinggil sa pagkaltas ng withholding tax.

Isinama kahapon ni Ibay ang kasong plunder at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kahapon sa Ombudsman na humihiling ng agarang suspensiyon upang hindi magalaw ang ilang mahahalagang dokumentong magpapatunay sa naturang kaso.

"Maaari silang makaligtas sa kasong isinampa ng BIR. Pero sa akin hindi siya makakaligtas dahil may criminal liability siya nang sirain niya ang trust at confidence ng mga empleyado by not turning over to BIR their withholding tax, my withholding tax," paliwanag ni Ibay.

Sinabi ni Ibay na lubha siyang apektado ng inaming kasalanan ni Binay na hindi nito naibayad sa BIR ang mahigit P1.150 milyong withholding tax.

Nagsilbi si Ibay sa lungsod bilang konsehal mula noong 1995 hanggang 2004 at hinahabol naman ng BIR ang mahigit P1.150 bilyong utang ng lungsod sa withholding tax mula 1999-2004.

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BINAY

BIR

IBAY

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OSCAR M

TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with