^

Bansa

Zero tariff sa Philippine products sa Japan itinulak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Zero tariff sa Philippine products sa Japan itinulak
Nakipagpulong ang mga senador sa mga matataas na opisyal ng Japan upang talakayin ang kahilingan ng Pilipinas na alisin ang taripa sa mga produktong Pinoy na inaangkat ng nasabing bansa.

MANILA, Philippines — Isinusulong nina Senate committees on Foreign Relations at ­Agriculture Erwin Tulfo at Kiko Pangilinan ang pagtanggal ng taripa o zero tariff sa ­Philippine-made heated tobacco ­products (HTPs), prutas at iba pang produktong agrikultural na iniluluwas sa Japan.

Sa pagbisita ng delegasyon ng Senado sa Japan para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan, hiniling ni Tulfo sa pamahalaang Hapon na pag-aralan ang pagbubukas ng kanilang merkado sa mga naturang produkto.

Ayon kay Tulfo, makatutulong ang zero tariff upang magkaroon ng patas na kompetisyon ang mga produktong Pilipino at mapalakas ang sektor ng pagmamanupaktura, agrikultura at pag-e-export ng bansa.

“Sa paglitaw ng mga bagong produkto mula sa industriya ng tabako sa Pilipinas at sa patuloy na pagtaas ng demand para sa mga ito sa Japan, magalang nating hinihiling sa pamahalaan ng Japan na pag-aralan ang aming panukalang alisin ang mga taripa sa mga produktong heated tobacco na gawa sa Pilipinas,” pahayag ni Tulfo.

Sinabi rin niya na makalilikha ito ng mas maraming trabaho at makapagpapasigla sa ekonomiya.

Ang panukala ay bahagi ng ­layuning higit pang mapatatag ang Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA) at palawakin ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Kabilang sa delegasyon ng ­Senado sina Senate President Sherwin Gatchalian, Majority Leader Migz Zubiri, at iba pang senador na nagsasagawa ng parliamentary visit sa Japan.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with