Patay sa malaria: Reyster Langit bumigay din
() - June 4, 2005 - 12:00am
Matapos ang pitong araw na pakikipaglaban sa matinding lason na dala ng ‘killer lamok’, namatay na rin ang TV host at kolumnistang si Reyster Langit, anak ng beteranong broadcaster na si Rey Langit, sa isang pagamutan sa Amerika kahapon ng madaling-araw.

Ang 33-anyos na si Reyster ay nalagutan ng hininga ganap na ala-1:30 ng madaling-araw sa St. Vincent Hospital sa Los Angeles, California dahil sa heart failure dulot ng ‘cerebral malaria’ na kanyang nakuha mula sa kagat ng lamok sa pag-akyat sa kabundukan ng Brgy. Signapan, Rizal, Palawan.

Una kay Reyster ay nasawi rin ang dalawa niyang nakasama na sina Christian Macadaig, 48, reporter ng DWIZ at cameraman na si Arnold Danare, 25.

Umakyat sa bundok ng Rizal sa Palawan ang tatlo, kasama ang iba pang crew ng Channel 9 para sana idokumento at ipalabas sa programang "Kasangga mo ang Langit" ang nagaganap na misteryong pagkamatay ng mga ‘indigenous people’ sa nasabing lugar.

Umakyat ng bundok ang grupo ni Reyster noong Mayo 8, 2005, bumaba ng Mayo 13 at noong Mayo 20 ay isa-isa nang nilagnat at nakadama ng panginginig ng buong katawan.

Sa loob ng 24 na oras ay namatay si Macadaig sa Palawan Hospital habang si Danare ay nagtagal pa ng 48 oras sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila. Samantala, si Reyster ay lumaban pa sa kamatayan ng pitong araw hanggang sumuko na rin ito kahapon dahil hindi matanggal sa kanyang katawan ang mga mikrobyo na pumasok sa kanyang dugo.

Nakatakdang iuwi sa bansa ang labi ni Reyster ngayong araw na ito at ibuburol muna at paglalamayan sa Chapel ng Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City. (Ulat ni Mer Layson)

ARNOLD DANARE CHRISTIAN MACADAIG LOS ANGELES MANILA MEMORIAL PARK MER LAYSON PALAWAN PALAWAN HOSPITAL REY LANGIT REYSTER REYSTER LANGIT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with