^

Bansa

Bodyguard ng mayor todas sa judge na sinapak

-
ANTIPOLO CITY, Rizal - Dahil sa gitgitan sa trapiko, isang 65-anyos na huwes ang namaril at nakapatay ng driver/bodyguard ng alkalde ng lungsod na ito matapos siyang suntukin sa mukha sa gitna ng kanilang pagtatalo, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the spot dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang sikmura ang biktimang nakilalang si Gerardo Martinez, 44, may asawa, driver ni Antipolo Mayor Angelito Gatlabayan at residente ng Sitio Knight of Columbus, Brgy. San Roque ng naturang lungsod.

Ginagamot naman sa St. Luke’s Hospital matapos na mabasag ang ilong ng suspek na si Judge Francisco Querubin, ng Regional Trial Court Branch 74 at residente ng Cogeo Village, Brgy. Bagong Nayon ng nasabi ring lungsod.

Sa ulat ni SPO1 Alfredo Coronado ng Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa may Hamaga Park, Circumferential road, Brgy. dela Paz.

Binabagtas umano ni Martinez ang naturang kalsada sakay ng kanyang motorsiklo angkas ang saksing si Teresita Maraha at patungo sa Antipolo proper nang i-cut umano ng gray na Ford Lynx na may plakang WKW-567 na minamaneho ni Judge Querubin.

Dito muling umovertake si Martinez sa naturang kotse at iniharang ang motor upang patigilin si Querubin.

Isang pagtatalo ang naganap sa dalawa hanggang sa tuluyang suntukin umano ni Martinez ang huwes sa mukha kung saan may nakakabit na bakal na knuckles ang kamao nito.

Agad namang kinuha ni Querubin ang kanyang kalibre .357 magnum sa loob ng kotse at nagpaputok ng warning shot sa ere ngunit tinangka pa rin umanong sumugod ni Martinez kaya ito pinaputukan.

Nagtungo naman sa Antipolo Doctors Hospital ang judge pero nagpalipat sa St. Luke’s habang isinugod naman si Martinez sa Unciano Medical Center subalit patay na ito.

Kasalukuyang binabantayan naman ng mga pulis si Querubin sa ospital at nakatakda itong sampahan ng kasong homicide.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALFREDO CORONADO

ANTIPOLO DOCTORS HOSPITAL

ANTIPOLO MAYOR ANGELITO GATLABAYAN

BAGONG NAYON

BRGY

COGEO VILLAGE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO GARCIA

QUERUBIN

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with