‘Samuel’ pumasok na sa PAR

MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang severe tropical storm na si Samuel, na dating tinatawag na Cempaka, ayon sa PAGASA.
Huling namataan si Samuel dakong alas-3 ng hapon sa layong 1,620 kilometro silangan ng Northern Luzon habang patuloy itong kumikilos sa karagatan.
Ayon sa PAGASA, lumakas si Cempaka at naging ganap na bagyo bago pumasok sa PAR. Gayunman, nananatili itong malayo sa kalupaan at hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon at karagatan sa bansa.
Sa kabila nito, magdudulot pa rin ang umiiral na amihan ng katamtaman hanggang maalon na karagatan sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon sa susunod na 24 oras.
Inaasahan namang lalabas ng PAR si Samuel pagsapit ng Martes ng umaga o hapon, ayon sa PAGASA.
- Latest















