^

Bansa

593 sugatan sa Bagong Taon

-
Limandaan at siyamnapu’t tatlo ang mga naging biktima ng paputok at indiscriminate firing sa buong bansa na bumaba ng halos mahigit sa kalahati kumpara noong 2001 sa nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang ipinalabas na assessment kahapon ng tanggapan ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagsasabing nairaos ng maayos ang pagsalubong sa taong 2002.

Batay sa report na nakalap sa tanggapan ni PNP Chief, Director General Leandro Mendoza, bukod sa nasabing bilang ng mga casualties ay naitala rin ang 18 insidenteng sunog sa buong Metro Manila.

Ayon sa report ni Police Director Ricardo De Leon, PNP Director for Operations kay General Mendoza, nabatid na 453 ang kabuuang bilang ng nasugatang biktima dahil sa paggamit ng firecracker, 22 naman ang nabiktima ng ligaw na bala at 11 sa indiscriminate firing.

Sa kabuuang 486 katao na nasugatan sa nangyaring pagsalubong sa Bagong Taon ay idinagdag dito ang 107 bilang ng indibidwal na nasugatan naman dahil din sa paputok at ligaw na bala nitong nakaraang Bagong Taon kung kaya umakyat ang bilang sa kabuuang 593.

Ang nasabing bilang ay sumasakop simula noong bisperas ng Bagong Taon hanggang alas-7 ng umaga kahapon.

Ang mga biktima ay nilalapatan ng lunas sa iba’t ibang pagamutan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinagmalaki ni Mendoza na mas mababa umano ang bilang ng mga casualties ngayong taon kumpara noong nakaraang taon kung saan 1,500 katao ang napuruhan sa paggamit ng paputok at baril. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BATAY

BILANG

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

GENERAL MENDOZA

JOY CANTOS

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE DIRECTOR RICARDO DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with