^

Police Metro

Palasyo ipinagtanggol ang desisyon ng CA

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung ang Malaca?ng ang tatanungin ay inirerespeto nila ang naging desisyon ng Commission on Appointments (CA) na ibasura ang appointment ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella at ilan anya sa mga miyembro ng makapangyarihang CA ang nagdesisyon batay sa kanilang prinsipyo at konsensya.

Sa katunayan nga raw ay ilan sa mga ito ay ipinaliwanag pa ang kanilang naging boto kaugnay sa appointment ni Lopez.

Binigyan diin din ni Abella na nirerespeto ni Pangulong Duterte ang independence ng CA at nilinaw na ang pahayag ng Pangulo sa umano’y suhulan sa mga miyembro ng CA kaugnay sa appointment ni Lopez na “lobby money talks” ay para lamang i-highlight ang pagkakaroon ng vested interest sa appointment ng mga opisyal at hindi hangad na yurakan o dungisan ang integridad ng CA.

Nauna nang itinanggi ng ilang miyembro ng CA na hindi sila nakatanggap ng anumang suhol kapalit ng kanilang pagbasura sa appointment ni Lopez.

vuukle comment

ERNESTO ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with