^

Pang Movies

Kumanta ng lupang hinirang sa laban ni Pacman parang naglalaro lang!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas nag-enjoy kaming makinig ng blow-by-blow report sa radio RGMA dzBB ng laban ng Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas dahil mararamdaman mo ang tension ng mga tao sa loob ng Wynn Hotel in Las Vegas kaysa manood sa GMA-7.  Mahuhusay ang mga report sa radio plus walang commercial break.  Hindi kami maka-relate sa mabagal na annotating ng mga hosting sa TV plus ang sangkatututak na commercial break.  Anyways, hinihintay namin ang reaction ng NCCA sa paraan ng pagkanta ng Philippine National Anthem ng mga kumanta na parang nilalaro ang ating Pambansang Awit.  At muli, ang aming pagbati kay Pambansang Kamao na muling nakuha ang title sa boxing.

Alden at Maine biniyayaan ng ‘blessings’ ng madre sa Germany

Masaya ang AlDub fans na sabay na bumalik ng bansa noong Saturday morning sina Alden Richards at Maine Mendoza mula sa kanilang short vacation na ibinigay ng kani-kanilang management.  Kasabay nilang bumalik si Jenne Ferre, ang writer nila ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Matatandaan na magkahiwalay umalis ng bansa ang dalawa, nauna si Maine na tumuloy ng London at sumunod na lamang si Alden at nagkita na lamang sila sa Germany last November 1.

Parehong natakam sa mga update ang fans maliban sa paisa-isang posts ng fans tulad noong nanood sila ng Les Miserables na nagmo-moment daw ang dalawa sa coffee shop ng theater bago ang musical play at nang may mga lumapit na fans na naki-photo-op sa kanilang dalawa, hindi naman nila tinanggihan.

Pero ang isang endea­ring post na ipinalabas din sa Eat Bulaga noong Sabado ay iyong pagkatupad ng promise ni Maine sa Mother General ng Convent of the Pink Sisters sa Germany, na isasama niya sa pagbalik niya roon si Alden. Naunang pumunta sa Pink Sisters noon si Maine nang mag-shooting sila ni Alden sa Italy ng first solo movie nila, ang Imagine You & Me.  Pero nag-promise siya sa Mother General who is a Filipina noon na kapag bumalik siya ng Germany, kasama na niya si Alden.

Muli silang binigyan ng audience ng Mother General at base sa picture na naka-post, nakapagpa-picture sila habang hawak-hawak ng tinawag ni Lola Nidora (Wally Bayola) na Madre Lola ang mga kamay nina Alden at Maine at habang nakangiti ito ay alam mong binibigyan niya ng blessings ang da­lawa. Sinasabi ni Maine na answered prayer daw ang blessing na ipinagkaloob sa kanila ng Mother Ge­neral. Malaman kaya natin o i-share kaya ni Maine sa kanyang blog ang sinasabi niyang answered prayer?

Pero napaka-professional nina Alden at Maine. From the airport, mukhang nag-lunch lamang sila at diretso na sila sa kani-kanilang commitment that afternoon ng November 5.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with