^

True Confessions

Apoy sa Balsa (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Lumipas ang anim na buwan. Naging matagumpay ang holiday campaign ng fast-food chain, at kasabay nito ang paglipad ng tambalang “WiKael” sa rurok ng kasikatan.

Ang bawat billboard sa EDSA at bawat commercial sa online at telebisyon ay naglalaman ng kanilang mga mukha.

Dahil sa matinding ingay ng kanilang pangalan, mabilis na sumunggab ang isang tanyag na clothing brand. Nagkakahalaga ng milyon ang kontrata para sa kanilang bagong summer swimwear line, isang ad campaign nag-aatas ng mas sensual, mas daring, at mas intimate na mga eksena sa pagitan nina Kael at Winona.

Ngunit hindi lang iyon ang nagpadagundong sa dibdib ni Rhea.

“Inaprubahan na ng client ang location, Rhea,” pahayag ng kanyang assistant habang inihahanda ang mga storyboard para sa malaking shoot. “Kailangan daw ng malinis na dalampasigan, kaya sa San Vicencio tayo magse-set up ngayong linggo.”

Natigilan si Rhea sa narinig.

Ang San Vicencio, ang bayang kung saan nag-uumpisa ang lahat ng kanyang alaala. Ang lugar kung saan niya unang nakilala si Kael bilang isang simpleng bangkero bago ito naging crush ng bayan.

Habang nakatitig si Rhea sa konsepto ng ad campaign, kung saan nakasulat ang mga instruksyon para sa mainit na titigan sa tabi ng dagat, naramdaman niya ang matinding kaba.

Babalik sila sa pinagmulan ni Kael, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lang sila dalawa ang magkasama sa ilalim ng araw, kundi kasama ang buong production crew, si Winona, at ang milyun-milyong matang nag-aabang. (Itutuloy)

APOY SA BALSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with