^

True Confessions

Apoy Sa Balsa (67) ­

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man ganap na nakakahinga si Rhea mula sa tagumpay ng shoot, panibagong bagyo na naman ang pilit na ipinapasok sa kanyang pintuan.

Past six o’clock na ng hapon. Bago lumabas si Rhea ng studio matapos i-pack up ang mga kagamitan ng crea­tive team, dumaan muna siya sa VIP holding room para kunin ang nawawalang folder ng storyboard.

Ngunit bago pa man niya maihawak ang kanyang kamay sa doorknob, narinig niya ang dalawang pamilyar na boses mula sa bahagyang nakabukas na pinto.

Sa loob nito ay nag-uusap ang manager ni Kael na si Mr. Frank at manager ni Winona na si Manay Helen.

“Frank, kailangang masakyan natin ‘tong ‘WiKael’ hype habang mainit pa sa netizens,” mariing bulong ni Manay Helen habang naglalagay ng lipstick.

“Tsaka matagal ko ng gustong magkaroon nang maayos na ka-loveteam si Winona. Para mabura na ‘yung reputasyon niya na marami siyang boyfriends.”

“Noong isang araw ko pa pinaplano ito,” sagot ni Frank na halatang nasisilaw na rin sa kumikislap na kita.

“Pero kilala mo si Kael, masyadong seryoso at tahimik ang batang ‘yon. Baka tumanggi kapag sinabi ko itong plano ko sa kanila ni Winona.”

Natawa nang mahina si Manay Helen, isang tawang puno ng kalkulasyon. “Sino’ng nagsabing tatanungin natin siya? Staged date lang ‘to, Frank. Isang pasimpleng stolen shot sa isang mall sa BGC ngayong weekend. Palalabasin nating itinago lang nila pero may nakakita sa kanila. Ang mga brands, ang mother network ni Winona at ang mga fans, lahat matutuwa. Panalo ang parehong talent natin.”

Nakatayo si Rhea sa malamig na hallway, nakatulala.

Hindi lang ito simpleng pag-arte sa harap ng camera o promotional Reel sa TikTok. Plano nilang igapos si Kael sa isang pampublikong kasinungalingan, isang gawa-gawang relasyon na magiging kadena sa leeg ng binata at tuluyang magbubura sa anumang espasyong natitira para sa kanilang dalawa sa totoong buhay.

(Itutuloy)

WINONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with