^

True Confessions

Suklam (66)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, naka­ramdam ng sakit ng ulo si Brent. Hindi yata siya sanay na uminom ng alak. Nakipagsabayan siya ng pag-inom kay Julio. Maghahatinggabi na siya nagpa­alam kay Julio. Pero kahit masakit ang ulo niya, natutuwa naman siya at naging masaya ang pag-iinuman nila ni Julio na itinuturing na niyang matalik na kaibigan.

Ipinagtimpla siya ng black coffee ng kanyang tatay nang mahalata na tila nalasing siya. Alam ng tatay niya na nag-inuman sila ni Julio.

“Uminom ka ng kape nang maalis ang hangover mo. Mamaya lang wala na ‘yan,’’ sabi ng tatay niya.

“Salamat ‘Tay. Nakaka-hangover din pala ang imported.’’

“Oo naman. Kasabihan lang ‘yung hindi nakaka-hangover ang imported.’’

“Ang sarap ng kuwentuhan namin.’’

“Kumusta naman ang kaibigan mo? Nakarekober na?’’

“Oo ‘Tay.’’

Tumingin sa kanya ang ama. Makahulugan.

“Ang bilis niyang naka­rekober.’’

“Ikinuwento ko ang nang­yari sa atin—hindi siya ma­kapaniwala.’’

“Mabuti at ikinuwento mo —para mapanatag ang ka­looban niya.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with