^

True Confessions

Suklam (48)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAM na kaya ni Julio—yung asawa ng kaopisina mo ang nangyari, Brent?’’ tanong ng tatay ni Brent na halatang apektado sa nangyari.

“Hindi ko alam, Itay. Kasi nung huli kaming mag-usap ni Julio ay nasa ibang bansa siya kasama ng congressman na amo.’’

“Ah.’’

“Kanina ko lang nalaman ang lahat na buntis si Vivian.’’

“Kanino mo naman nalaman?’’

“Sa secretary ni Vivian. Inililihim pa nga pero hindi nakatiis at sinabi sa akin. Huwag ko lang daw ikuwento sa iba.’’

“Sa palagay mo nakauwi na si Julio mula sa ibang bansa?’’

“Baka nakauwi na siya, Tatay.’’

“Kawawa naman,’’ sabi uli ng tatay niya na halata sa boses ang pakikisimpatya.

“Oo nga ‘Tay.’’

“Sabagay malalampasan din niya yan. Lahat naman ay lumilipas. Lahat nang sugat ay bumabahaw at gumagaling. Nasa tao nang nasugatan kung paano tatanggapin ang nangyari.’’

“Oo nga po.’’

Bumuntunghininga ang tatay ni Brent pagkatapos.

KINABUKASAN, hindi inaasahan ni Brent ang pagtawag ni Julio.

“Iniwan na ako ni ­Vivian, Brent. Hindi ko alam ang gagawin,’’ sabi nito sa mahinang boses.

Hindi makasagot si Brent.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with