^

True Confessions

Black Widow (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

"PAANO mo nalaman ang pangalan ko, Marie?’’ Tanong ni Jose na may pagtataka.

‘‘Ikaw, paano mo nalaman ang pangalan ko?’’ Tanong naman ni Marie.

Pareho silang natawa sa isa’t isa.

‘‘Sabay pa tayo, Marie, ha-ha-ha!’’

‘‘Oo nga para tayong tanga.’’

‘‘Nalaman ko ang name mo dahil kay Iya. Sinabi raw ng daughter mong si Pau. Ikaw paano mo nalaman ang name ko?’’

“Dahil sa anak kong si Pau. Itinanong daw niya kay Iya. Madalas daw silang magkuwentuhan kapag recess.’’

“Nasabi nga sa akin yun ni Iya. At may nasabi pa nga siya sa akin ukol sa’yo.’’

Namula ang pisngi ni Marie. Bagamat nahuhulaan na niya kung ano ‘yun dahil sinabi na ni Pau sa kanya.

‘‘Sabi ni Iya, mabait ka raw. Kasi inihatid n’yo raw mag-ina sa bahay at saka pinakain mo pa raw. Kung hindi n’yo raw siya tinulungan e baka hindi agad siya nakauwi.’’

“Sabihin mo kay Iya na salamat. Gusto ko rin siya dahil napakabait niya.’’

“Sige sasabihin ko sa kanya.’’

Nagkatinginan sila. Ilang saglit din ang tinginan.

Si Marie ang unang nagbaba ng tingin. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit nababaitan siya kay Jose?

“Hinihintay mo rin si Pau ano?’’ Pagkaraan ay tanong ni Jose.

“Oo. Napaaga yata ang dating ko. Ikaw, hinihintay mo si Iya?’’

“Oo. Inagahan ko na ang pagpunta ko rito at baka na naman maghintay sa akin. Pero ngayon, kahit na ma-late ako ay hindi na ako mag-aalala dahil may maghahatid na sa kanya, he-he-he! Okey lang, Marie?’’

‘‘Okey lang sa akin.’’

‘‘Thanks. Napakabait mo talaga. Tama si Iya.’’

“Thanks. Purga na ako sa kapupuri, he-he!’’

“Dun nga tayo mag­hintay sa upuang iyon. Matagal pa naman bago lumabas ang mga anak natin.’’

“Sige. Nangangawit na nga ako.’’

Tinungo nila ang upuan­. Magkatabi silang naupo at nagkuwentuhan.

“Ba’t hindi ang mister mo ang sumusundo kay Pau?’’

Napangiti si Marie.

‘‘Biyuda na ako, Jose.’’

‘‘Ikaw, biyuda? Baka naman binibiro mo ako.’’

“Ba’t naman kita bibiruin?’’

“Hindi ka mukhang biyuda. Para ka ngang dalaga pa.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BAKIT

IKAW

IYA

MARIE

OO

SI MARIE

SIGE

TANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with