Ako ay Makasalanan (13)
- Ronnie M. Halos () - November 22, 2009 - 12:00am

TINAPOS ko ang pagkain.

“Halika na, Cherry. Saan ba yung boarding house na sinasabi mo?”

Tila nagulat si Cherry sa pagyaya ko. Iniisip pa siguro ang mga sinabi ko kanina na nagdodroga siya kagaya ng sinabi ni Mely.

“Diyan lang. Pinuntahan ko na yun kahapon. Okey na­man sa may-ari na magda­ lawa sa kuwarto.”

“Paano ang pagbabayad?”

“Share tayo.”

“Baka kapusin ako, Cher­ ry. Susulat pa ako sa probin­siya para padalhan ako ng pera. Sasabihin ko rin na lu­mipat na ako.”

“Walang problema. Ako na muna ang so-shoulder ng bayad.”

Lumabas kami sa restaurant. Tinungo namin ang kal­sada sa gilid ng restaurant na may nakasulat na Lardizabal St. Mga ilang block lang    mula sa restaurant ay tumigil kami sa isang dalawang pa­lapag na bahay. Luma na ang bahay. Tabla ang dingding sa itaas pero hollow block sa ibaba. Napansin kong ang mga bahay sa dakong iyon ay halos pare-parehong luma.

May mababang gate na bakal. Puwedeng abutin ang pagkakatrangka. Inalis ni Cherry ang pagkakatrangka.

“Parang kabisado mo na ito, Cherry.”

“Nakapunta na ako nang madalas dito noon. Yung isang kababayan ko ay dito nag-board dati. Kilala ko na ang may-ari nito.”

“Dito rin nakatira ang may-ari?”

“Oo. Sa silong sila. Yung sa itaas ang pinauupahan.”

Lumapit kami sa pinto. Kumatok si Cherry. Maya-maya bumukas. Isang babae na mahigit 50-anyos marahil ang kumuwadro.

“Aling Nene, lilipat na po ako. Siya po ang kasama kong titira,” itinuro ako. Tuma­ ngo lamang si Aling Nene.

“”Yung susi po.”

Nagpaalam sandali si Aling Nene. Nang magbalik   ay dala na ang susi. Iniabot kay Cherry.

Umalis na kami. Tinungo namin ang katabing pinto na kinaroroonan pala ng makitid na hagdan pataas. Sa itaas tumambad sa amin ang tat­long magkahanay na kuwarto at sa bawat pinto ay may na­kasulat na A-1, A-2 at A-3.

“Dito tayo sa A-1.”

Sinusian ni Cherry ang pinto. Nabuksan. Kinapa   ang switch sa may pinto. Ini-on. Nagliwanag.

“O maganda di ba?”

Maganda naman pala kahit na makitid. Malinis. May maliit na banyo na nag­ sisilbi na ring CR.

“Kaya lang iisa ang bed,” sabi ko. “Saan ako pupu­westo?”

“Tabi na lang tayo sa pag­tulog. Kasya naman siguro tayo.”

Ano? Hindi kaya si Che­ rry ang tomboy? Parang naaasiwa ako. (Itutuloy)

AKO ALING NENE CHERRY DITO LARDIZABAL ST. MGA SHY YUNG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with